2012/05/02


Ang literal na ibig sabihin ng R.U.G.B.I.I ay REFORMED AND UNITED GUARDIANS BROTHERHOOD INTERNATIONAL, INCORPORATED. Ito ay naipa-rehistro noong November 5, 2010 sa Securities and Exchange Commission at may SEC Registration Number CN201018077 at Tax Identification Number 007-916-830.

Ang R.U.G.B.I.I ay isang kapatirang binubuo ng mga kawani ng kasundaluhan, mga kawani ng pulisya, mga kawani ng bumbero, mga kawani ng piitan/kulungtan at mga ordinaryong mamamayan mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan na ang layunin ay makatulong sa ating bansa at sambayanan sa pamagitan nang kanilang munting kontribusyon sa pag suporta sa ating pamahalaan at pamayanan. Bilang isang organisasyon ng kapatiran, kami ay nagmamalasakitan, nagtutulungan at nagdadamayan sa isa-isa.


     

May 9, 2011 – REFORMED AND UNITED GUARDIANS BROTHERHOOD INTERNATIONAL INC. Lord of Defender Kuwait Council was legally acknowledged by the Philippine Embassy in Kuwait wherein all Officers Elected and members sworn to His Excellency Ambassador SHULAN O. PRIMAVERA. 



Kami, mga Opisyales at Kasapi ng Reformed and United Guardians Brotherhood International Incorporated (R.U.G.B.I.I), naghahangad na maingatan at mapanatili ang mga prinsipyo at adhikain ng GUARDIANS Movement at lubos na umaasa na ito’y aming makakamit sa tulong ng ating Diyos na Maykapal, at sa biyaya ng Demokrasya na ipinagkaloob sa atin upang tayo ay makapagtatag ng isang organisasyon na siyang mag-aakay sa atin tungo sa isang malalim na pagkakapatiran, hustisya, kapayapaan, disiplina, paglilingkod at ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat isa, at dahil sa ganoong layunin, kami po ay nagkakaisa upang bumuo at para pagtibayin ang By-Laws na ito.



NOVEMBER 5, 2010/2011 - 1ST YEAR FOUNDING ANNIVERSARY RUGBII NATIONWIDE
STATE OF KUWAIT


MAY 11, 2011/2012 - 1st Year Founding Anniversary, R.U.G.B.I.I Lord of Defender – Kuwait Council held at Radjhani Palace, Khaitan Blk. 7, Awtad Mall on May 11, 2012. 



Ang grupong ito ay binuo di dahil sa sariling kapakanan ng isang tao kundi upang sukatin ang katatagan, tiwala, pagkakaibigan, samahan at higit sa lahat ang pagtutulungan. Dahil sa kapatirang ito naiipakita ang tunay na ibig sabihin ng salitang kaibigan na mahirap Makita sa panlabas na kaanyuhan, dahil ang tunay na kaibigan ay nakikita sa gitna ng kagipitan ng bawat isa. Ang RUGBII ay ang kapatiran na nagsasabing ang tunay na kaibigan ay hindi lamang nakikita sa oras ng kasiyahan kundi pati na rin sa oras ng kagipitan na kung saan kailangan ng tulong at suporta ng bawat isa. Hindi takot ang nangingibabaw sa bawat isa kundi ang salitang kaibigan o kapatiran na nakatatak sa puso at isipan naming mga GUARDIANS. kaya isulong ang pagbabago at pagkakaisa, ituwid ang maling pamamaraan sa loob ng GUARDIANS.



RUGBII LORD OF DEFENDER KUWAIT COUNCIL



114th INDEPENDENCE DAY CELEBRATION
JUNE 22, 2012 AT FAHAD AL-AHMAD HANDBALL CLUB GYM IN DAIYA