ABOUT GUARDIANS


ANO ANG GUARDIANS?

Ang GUARDIANS ay isang samahan o kapatiran na ang pangunahing layunin ay ang pag buklod buklod at pagtutulungan para maging katuwang ng kapwa pilipino at ng sambayanang Pilipinas. Ito ay hindi samahan ng pang relihiyon, pang politika at ng pang negosyo. 
Ito ay itinatag ni Col. Liborio "GMF Abraham" Jangao Jr (PNP Ret) na noon ay kawani ng kasundaluhan (Philippine Constabulary). Una itong tinawag na Dose Anitos noong 1976 sa Parang Maguindanao na may pangunahing layunin na "ALLOW NO INDIGENOUS TROOPERS OUTFOUGHT SOVEREIGNTY". 

Hindi tumagal ngunit sa parehas na taon ang mga kasapi ng Dose Anitos ay napag hiwalay dahil sa kani-kanila nilang distino sa ibat ibang grupo (PC unit) habang si Sarhento Liborio "Diango" Jangao Jr (pa noon at Abraham na sya ngayon) ay nanatili sa 571st PC Company South Parang Cotabato (na Maguindanao na sa ngayon) ay ipinatuloy nya ang espirito ng kapatiran at kanyang binuo ang samahang Diablo Squad (dose) sa layuning lumaban sa mga kalaban ng gobyerno na walang takot at walang iwanan hanggang sa huling patak ng dugo. Sa pagkataong ito ay nag palagay ng markang DIABLO SQUAD sa kanang balikat ang kauna unahang mga kasapi maliban lang sa isa na ayaw mag palagay ng marka noon para maipakita ang pagkakaisa bilang isang kuponan.

Mahal na araw ng April 1980 ng maisipan ni Sarhento Liborio "Abraham" Jangao Jr. na baguhin ang pangalan ng DIABLO SQUAD dahil sa masamang pag isip ng mga mamayan ng salitang DIABLO SQUAD kasunod ang sunod sunod na labanan ng PC at ng ibang sangay ng kasundalohan. Noon ding araw na iyon ay binago ni Sarhento Liborio "Abraham" Jangao ang pangalan ng DIABLO SQUAD sa DIABLO SQUAD CRIME BUSTER at ang orihinal na labing dalawang PC ay nadagdagan ng isang Army at isang MP. Kasabay nito ang pag bigay nila ng kahulugan ng salitang DIABLO (Duntless, Ingenious, Advocator of the Nation and Society) na kapag sinalin sa tagalog ang ibig sabihin ay mga "matatapang at matatapat na tagapagtangol ng watawat, kalayaan at pagkakaisa". 

Taong 1980 din ng binuo ni Sarhento Liborio "Abraham" Jangao Jr. ang grupong tagapayo (Advisory Body) at ito ay tinawag na MAGIC GROUP na binuo ito ng 2 fiscals at 5 abogado kasabay ang pag bigay kahulugan ng salitang MAGIC - na ibig sabihin ay Magistrtate Advocator of Grievances and Impotent Citizens na kung isalin sa tagalog ang ibig sabihin ay mga Mahistradong Tagapagtanggol ng Naapi at Walang lakas na Mamamayan.

Noon mga 1982 na iyon from Diablo Squad 1976 ay ginawa na ni grand na DSCB. kaya nya isinama ang pitong magic group. sila pa lang ang pitong miyembro ng DCSB hanggang nag-1984 na iparehistro na ang GBI. Kung kaya't dun sa CBL ng GBI ay inilagay ni grand na "to recognize the affiliation of the magic group". yung SEC na si grand mismo ang nagparehistro kung saan merong mga binura sya na nilagyan nya ng initials nya. noon ipinarehistro ng December 1984 ang GBI ay naroroon na yung pitong magic group na puro abogado at fiscal lahat. Kaya after 2 years noon 1986 jan na nagsimula ang Magic group

Taong 1984 nang inutos ni AFP Acting Chief of Staff General Fidel Ramos (pa noon) na buwagin ang Diablo Squad Crime Buster (DSCB) at nagka watak watak ang DSCB. Pero bago matapos ang taong 1984 ay inilabas ni Lt. Liborio "Abraham'" Jangao Jr (na combat commission si Liborio "Abraham" Jangao noong 1983 at naging Soldier of the Year) ang limang listahan na maari nilang ipalit sa DSCB at ang mga ito ay 1) DEFENDER, 2) PEACEMAKER 3)PROTECTOR, 4) VANGUARD at 5) GUARDIANS ngunit ang pinili ni Liborio "Abraham" Jangao Jr ay ang GUARDIANS at ng taon ding iyon ay kanyang ipina rehistro ang GUARDIANS BROTHERHOOD INC (GBI) sa Securities and Exchange Commission. 

kalagitnaan ng taong 1985 ng nabuo ang GCFI sa pamumuno ni Col. Gregorio "Gringo" Honasan (na noon ay wala pang marka) at ito ay na rehistro sa Securities and Exchange Commission noong April 1986. Nasundan ito ng PGBI, GPI hanggang sa tuluyan na itong dumami ng dumami hanggang sa kasalukuyan tuwing hindi magka sundo ang mga kasapi nito. 

Ang bawat titik ng salitang GUARDIANS ay may kahulugan at ito ay Gentleman and United Associates of the Filipino Race and Dauntless, Ingenuous  Advocators of the Nation and Society na kung isalin sa tagalog ang ibig sabihin ay mga "maginoo at nagkakaisang katuwang ng lahing pilipino, magigiting at matatapat na tagapagtanggol ng bansa at ng lipunan"