How To Be A RUGBII GUARDIANS


MEMBERSHIP PROCEDURES:
Ang aplikasyon para maging kasapi ay kailangang gawin sa pamamagitan ng pagsulat  doon sa official form na nakalaan para sa ganoong hakbang. Ang isang aplikante para maituring na kasapi ay kinakailangang dumaan sa limang hakbangin para maging kasapi;

a)      Aplikasyon
b)      Imbestigasyon ng iyong pagtao
c)      Pagharap ng aplikante sa mga opisyal at mga kasapi
d)     Seminar at mga pagtuturo para maunawaan ang mga mithiin at
mga layunin ng organisasyon.
               e)   Pagmamarka at
               d)   Pagkilala bilang bagong kasapi.

Application:
Ang isang aplikante ay kailangang mag fill-up doon sa official application form at ito ay iniindorso ng isang aktibong kasapi ng organisasyon o mas kilala sa tawag na SPONSOR na    siya namang pinapasa doon sa screening committee ng lokal na chapter para sa gagawing examination at approval.

Background Investigation:
Walang aplikante na tatanggapin sa organisasyon hanggat hindi pa masusing nasusuri ang kanyang pagkatao upang pagdating ng araw hindi siya magiging dahilan para maging kahiya-hiya at maging pabigat sa organisasyon. Bilang bahagi ng imbestigasyon kinakailangan ng aplikante na magsumite ng Police clearance o Brgy. Clearance kung saan siya kasalukuyang nakatira.

Presentation of Applicants:
Ang isang aplikante na pumasa doon sa unang dalawang hakbang para maging kasapi ay kailangang humarap sa lahat ng kasapi sa isang naka eskedyul na buwanang pagtitipon. Sa ganitong bahagi ang isang aplikante ay kinakailangang magsalita sa harap ng kapulungan kung bakit siya sumali sa organisasyon. Ang pagtutol ng mga dati ng kasapi para tanggapin ang aplikante ay awtomatikong mag-aalis ng karapatan ng isang aplikante para maging kasapi. Sa kabilang banda naman, kinakailangang patunayan ng mga tumututol ang mga kadahilanan ng kanilang pagtutol at kailangang ito ay aprubado ng kabuuan ng mga kasapi na nandoon sa nasabing pulong. At kung wala namang pagtutol doon sa isang aplikante, siya ay agarang bibigyan ng iskedyul para sa isang seminar at pagtuturo para maunawaan niya ang mga mithiin at mga layunin ng organisasyon.

Indoctrination Seminar or Lecture:
Ang isang aplikante kung saan ang kanyang application form ay aprubado na, siya ay dadaan sa isang seminar (indoctrination seminar) para maunawaan niya ang mga mithiin at mga layunin ng organisasyon.

Recognition:
Sa bahagi na ito, naging gawain na ng organisasyon na sundin ang isang kaugalian at tradisyon, kung saan binibigyan ang isang bagong kasapi ng kakaibang pagtanggap para hindi niya makalimutan at lalong mapalapit ang loob niya sa samahan, na isa sa mahalagang sangkap para sa ikalalago at tagumpay ng organisasyon. Siya rin ay kailangang gumawa ng mga positibong gawa tulad ng pagbabayad ng membership fee at identification card para maging ganap na kasapi ng samahan.